Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (May 9), umakyat na sa 10,610 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
147 ang panibagong napaulat na COVID-19 cases sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Sa nasabing bagong kaso, 123 o 84 porsyento ay naitala sa National Capital Region at 24 o 16 porsyento sa iba pang lugar.
Sinabi ng kagawaran na wala namang napaulat na bagong COVId-19 cases sa Region 7.
Samantala, nasa walong pasyente ang pumanaw dahilan para umabot sa 704 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon sa DOH, 108 naman ang bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, nasa 1,842 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.