Bilang ng Pinoy sa Hong Kong na apektado ng COVID-19, isa na lang

Bumaba na sa isa ang bilang ng Filipino sa Hong Kong na positibo pa ng COVID-19.

Ayon sa Philippine Consulate General sa Hong Kong, iniulat ito ng Health Department sa nasabing bansa.

Maliban dito, ayon sa konsulado, sinabi rin ng Health Department na walang bagong naitalang kaso sa Hong Kong.

Tiniyak ng konsulado na mahigpit na tinututukan ang kalagayan ng Filipino na apektado pa ng COVID-19.

Read more...