Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 4,012,857 ang mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa buong mundo.
Pinakamarami pa rin naitatalang kaso ng pandemiya ang Estados Unidos na may 1,321,785 cases at 78,615 na death toll.
Sumunod dito ang Spain na may 260,117 COVID-19 cases at 26,299 na bilang ng nasawi.
Nasa 217,185 naman ang COVID-19 positive cases sa Italy habang 30,201 ang death toll.
Narito naman ang naitalang confirmed COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– UK – 211,364
– Russia – 187,859
– France – 176,079
– Germany – 170,588
– Brazil – 146,894
– Turkey – 135,569
– Iran – 104,691
– China – 82,887
– Canada – 66,434
– Peru – 61,847
– India – 59,695
– Belgium – 52,011
– Netherlands – 42,093
– Saudi Arabia – 35,432
– Mexico – 31,522
– Switzerland – 30,207
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na pumalo na sa 276,216 ang global death toll.
Nasa 1,385,186 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.