LOOK: Malawakang COVID-19 testing sa OFWs sa Palacio de Maynila Mega Swabbing Center

Photo grab from PCG Twitter video

Umarangkada na ang COVID-19 RT-PCR testing sa mga land-based at sea-based overseas Filipino workers (OFWs) sa Palacio de Maynila Mega Swabbing Center, araw ng Sabado (May 9).

Ayon sa Philippine Coast Guard o PCG,kabilang sa unang batch ng mga sasalang sa pagsusuri ang 137 OFWs na nananatili sa anim na quarantine facilities sa Metro Manila.

Nasa mahigit 200 tauhan ng PCG ang mangangasiwa ng pagsusuri sa mga OFW.

Katuwang din ng PCG ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para mapanating maayos ang operasyon sa nasabing Mega Swabbing Center.

Read more...