Bilang ng healthcare workers na nagpositibo sa COVID-19 umabot na sa 1,934

Umabot na sa 1,934 ang bilang ng mga healthcare workers sa bansa na tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagtala naman ng 46 na panibagong bilang ng mga naka-recover sa sakit.

Mayroon pang 1,451 na aktibong kaso ng COVID-19 sa mga healthcare worker, 982 ay mild cases lamang at 462 ay pawang asymptomatic.

Mayroon namang pito na maituturing na “severe condition”.

Umabot naman na sa 34 ang bilang ng healthcare worker na nasawi.

 

 

 

 

Read more...