LOOK: 6 na lugar sa bansa na nakapagtala ng mataas na heat index ngayong araw, May 8

Anim na lugar sa bansa ang nakapagtala ng mataas na heat index ngayong Biyernes, May 8, 2020.

Narito ang mga lugar na nakapagtala ng pinakamaalinsangang panahon:

Sangley Point, Cavite City – 50 degrees Celsius
Dagupan City – 47 degrees Celsius
Ambulong, Tanauan City – 46 degrees Celsius
Davao City – 46 degrees Celsius
Dipolog City – 46 degrees Celsius
Science City of Munoz – 46 degrees Celsius

Ayon sa PAGASA, panganib ang dulot ng 41 hanggang 54 degrees Celsius na heat index.

Posible itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke kapag tuluy-tuloy ang physical activity.

 

 

 

 

Read more...