Kaso ng COVID-19 sa bansa 10,463 na

Umakyat na sa 10,463 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala pa ng dagdag na 120 na panibagong kaso ng sakit.

Sa nasabing bilang, 84 ang naitala na bagong kaso sa National Capital Region (NCR), 28 sa Region 7 at ang 8 iba pa ay sa iba’t iba pang panig ng bansa.

Nakapagtala din ang Department of Health (DOH), 116 na panibagong gumaling o naka-recover sa sakit.

Mayroon namang naitalang 11 na panibagong nasawi sa COVID-19.

Dahil dito umakyat na sa 696 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa.

 

 

 

Read more...