Mainit at maalinsangan panahon ang naranasan sa Metro Manila, araw ng Biyernes (May 8).
Ayon sa PAGASA, pumalo sa 40 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon City bandang alas-3:00 ng hapon.
Umabot naman sa 36.2 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot ng 41 hanggang 54 degrees Celsius na heat index.
Maaari anilang magdulot ito ng heat cramps at heat exhaustion na maaaring mauwi sa heat stroke kung tuluy-tuloy ang physical activity.
Payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.
MOST READ
LATEST STORIES