39.7 degrees Celsius naitalang pinakamataas na temperatura kahapon, May 7

Nakaranas ng maalinsangan at mainit na panahon ang maraming lugar sa bansa kahapon Huwebes, May 7.

Ayon sa PAGASA, naitala sa Echague, Isabela ang pinakamataas na temperatura na umabot sa 39.7 degrees Celsius.

Narito ang iba pang lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura:
Hacienda Luisita, Tarlac – 38.9 degrees Celsius
Science City of Muñoz – 38.4 degrees Celsius
Tuguegarao City – 38.3 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 37.9 degrees Celsius

Paalala ng weather bureau sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.

 

 

 

Read more...