23 Filipino sa Dubai nasawi dahil sa COVID-19

Pumalo na sa 23 na Filipino sa Dubai ang nasawi dahil sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Consul-General Paul Raymund Cortes, maraming Filipino sa Dubai ang timatawag sa kanyang tanggapan para ipaalam na tinamaan sila ng COVID-19.

“Meron na rin po tayong around 23 na namatay na atin pong mga kababayan sa COVID-19 dito lang po ‘yan sa Dubai,” pahayag ni Cortes.

Gayunman, marami naman sa mga Filipino na tinamaan ng COVID-19 ang gumaling na.

Sa ngayon, 16,240 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 cases sa United Arab Emirates.

Nasa 650,000 na Filipino ang nasa UAE.

 

 

Read more...