Kalamansig, Sultan Kudarat niyanig ng lindol

Naitala ang magnitude 3.0 na lindol sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 22 kilometers Southwest ng bayan ng Kalamansig, alas-10:59 umaga ng Biyernes (May 8).

May lalim na 2 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...