Aabot sa 1,600 katao ang napilitang lumikas dahil sa wildfire sa Florida Panhandle.
Ayon kay Gov. Ron DeSantis, ilang ektarya na ang nasunog.
Nananatiling sarado ang kahabaan ng Interstate 10 na nagsisilbing main transportation artery ng northern Florida dahil sa makapal na usok.
Sinabi naman ni Agriculture Commissioner Nikki Fried na doble kayod na ang mga fire officials para maapula ang apoy.
“The threat is far from over and there is no rain forecasted,” pahayag ni Fried.
Samantala, kinain din ng apoy ang 2,000 ektarya sa San Rosa County dahilan para ilikas naman ang mga residente doon.
Nagsimula ang sunog noon pang Lunes nang magsiga ang isang private contractor.
MOST READ
LATEST STORIES