Mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng COVID-19, 1,922 na; 21 ang nadagdag

Nadagdagan pa nang 21 ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 7, nasa 1,922 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 1,143 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ayon sa DFA, 557 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Nasa 222 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 612 na kaso.

Sumunod dito ang Americas na may 503 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 373 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 434 sa Middle East/Africa.

Read more...