Sangley Point, Cavite City nakapagtala ng 49 degrees Celsius na heat index

Nasa pitong lalawigan sa bansa ang nakaranas ng matinding init at alinsangang panahon, araw ng Huwebes (May 7).

Ayon sa PAGASA, naitala ang pinakamataas na heat index sa Sangley Point, Cavite City kung saan pumalo sa 49 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon.

48 degrees Celsius naman ang heat index sa Science City of Muñoz dakong 11:00 ng umaga.

Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Legazpi City – 47 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– San Jose, Occidental Mindoro – 47 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Clark, Pampanga – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Davao City – 46 degrees Celsius bandang 4:00 ng hapon
– Iba, Zambales – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon

Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.

Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.

Read more...