Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (May 7), 10,343 na kabuuang confirmed COVID-19 cases sa bansa.
339 ang panibagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa nakalipas na 24.
Sa nasabing bilang, 205 o 61 porsyento ay naitala sa Region 7, 110 o 32 porsyento sa National Capital Region at 24 o pitong porsyento sa iba pang lugar.
Samantala, 27 pa ang nadagdag sa bilang ng nasawi dahilan para umabot sa 685 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon sa DOH, 112 namang pasyente ang gumaling pa sa COVID-19.
Bunsod nito, ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa Pilipinas ay 1,618 na.
MOST READ
LATEST STORIES