Ilang siyudad sa Metro Manila ang maaring isailalim sa general community quarantine oras na matapos ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa May 15 dahil sa COVID-19.
Pero ayon kay Interior Secretary Eduardo Año may walong araw pang natitira bago matapos ang ECQ kung kaya mas makabubuting hintayin muna ang analytics.
Ayon kay Año, may ilang siyudad na sa Metro Manila ang gunaganda ang sitwasyon
Inihalimbawa ni Año ang San Juan at Valenzuela na gunaganda na ang sitwasyon.
Aminado si Año na malaki pa rin ang problema sa Quezon City dahil umabot sa 1,000 ang nagpositibo sa Covid 19.
“There are areas already in Metro Manila that are actually improving like San Juan and Valenzuela but Quezon City is still really what we call a very high-risk area with the 1,000 positive,” pahayag ni Año.