Dagdag na ayuda ibibigay ng US sa Pilipinas kontra COVID-19

Magbibigay ng dagdag na ayuda ang US government sa Pilipinas para malabanan ang coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

Ayon sa United States Embassy sa Pilipinas, nagkakahalaga ng P298 million pesos ang dagdag na ayuda na ibibigay ng US.

Makikipag-ugnayan din ang U.S. Agency for International Development sa 18 local governments units na matinding tinamaan ng COVID-19 upang maitaguyod ang epektibong crisis management at implementasyon ng response plans.

Ayon pa sa US Embassy, kabilang sa ayuda ang P44 million pesos na mula sa U.S. Department of State’s Bureau of Population, Refugees, and Migration for the International Committee of the Red Cross.

Aabot na sa mahigit P768 million pesos o 15.2 million US dollars ang naibigay na ayuda ng US sa bansa kontra COVID-19.

Umabot naman na sa mahigit P228 billion pesos ang naibigay na development assistance kabilang na ang P29 billion pesos health assitance ng US sa bansa sa nakalipas na 20 taon.

Read more...