Kumakalat sa social media na makararanas ng ‘equinox phenomenon’ sa bansa itinaNggi ng PAGASA

Itinanggi ng PAGASA ang mga kumakalat sa social media na magkakaroon ng ‘equinox phenomenon” sa bansa sa susunod na mga na lalo pang magdudulot ng matinding init ng panahon.

Ayon sa PAGASA ipinakakalat ito sa Facebook, Twitter, at maging sa Viber.

Sinabi ng PAGASA na wala itong katotohanan dahil tapos na ang spring equinox noong Marso 20 pa.

Ang autumnal equinox naman ay mangyayari sa Setyembre 23 pa.

Sinabi ng PAGASA na ang mainit at maalinsangang panahon sa bansa ay dahil sa Ridge of High Pressure Area at Easterlies.

Payo ng PAGASA sa publiko iwasan ang pagbabahagi ng hindi kumpirmadong mga impormasyon.

Ngayong mainit ang panahon iwasan ang lumabas sa tanghali at hapon at palagiang uminom ng tubig.

Read more...