CHR, mag-iimbestiga sa pamamaril sa isang radio broadcaster sa Dumaguete City

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pamamaril sa isang radio broadcaster sa Dumaguete City.

Pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang radio announcer sa DYMD Energy 93.7 FM na si Rex Cornelio sa bahagi ng Barangay Daro, Martes ng gabi (May 5).

“These violence and similar attacks to journalists signify an erosion of free press and undermining of democracy,” pahayag ni Atty. Jacqueline Ann de Guia, tagapagsalita ng CHR.

Karapat-dapat aniyang mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga mamamahayag.

“Without the information, education, and truth-probing enabled a by a free press, other freedoms we enjoy may be in peril,” dagdag pa nito.

Iginiit pa nito na kailangang magkasa ng agarang imbestigasyon sa kaso para masigurong mahuhuli ang mga responsable sa krimen.

Ani de Guia, magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang CHR-Region at tututukan ang magiging resolusyon sa kaso.

“To ensure long-term protection for members of the press, we reiterate our call to the government to establish safeguards to prevent further media attacks,” dagdag pa nito.

Read more...