Saumlaki, Indonesia niyanig ng magnitude 6.8 na lindol – USGS

Photo grab from USGS website

Tumama ang magnitude 6.8 na lindol sa Saumlaki, Indonesia Miyerkules ng gabi (May 6).

Sa datos ng United States Geological Survey (USGS), yumanig ang lindol sa layong 205 kilometers Northwest ng Saumlaki.

Naramdamang ang lindol bandang 9:53 ng gabi, oras sa Pilipinas.

Sinabi pa ng USGS na 107 kilometers ang lalim ng pagyanig.

Wala namang inaasahang tsunami matapos ang malakas na lindol.

Read more...