Higit sa 30, patay sa pag-atake ng Boko Haram sa Northeast Nigeria

 

Mula sa Google

Patay ang hindi bababa sa tatlumpung indibiduwal sa pagsalakay ng rebeldeng grupong Boko Haram sa Northeast ng Nigeria.

Armado diumano ng baril at mga patalim ang grupo nang kanilang lusubin ang Brgy. Ng Yakshari at Kachifa nuong araw ng Biyernes at Sabado.

Ang ulat ang kinumpirma mismo ng isang local vigilante sa lugar na si Mustapha karimbe, na siyang tumutulong sa Militar doon para labanan ang Boko Haram Islamists.

Read more...