Paliwanag ni Comelec Chairman Andres Bautista, ito’y upang ma-test ang transmission ng election results gamit ang satellite connection at cellular signal via subscriber identity module o SIM cards.
Ani Bautista, mas maganda kung gagawin ang mock elections na may mga SIM card dahil sa araw mismo ng halalan, SIM cards ang gagamitin na hamak na mas mura kumpara sa pagpapadala ng data via satellite.
Gayunman, inamin ni Bautista na hindi pa raw handa ang telecommunication companies sa kani-kanilang SIM cards.
Kailangan din aniyang maitatag ang meeting rooms at data centers kaya malamang, sa Abril ang mock polls.
Kasalukuyang tinutukoy din ng Comelec ang transmission rate ng data sa iba’t ibang lugar sa bansa upang malaman kung saan presinto nangangailangan ng satellites sa pag-transmit ng election results.
Isinantabi rin ni Bautista ang usapin sa gastos sa bagong mock elections dahil ang mahalaga aniya ay maisailalim sa test ang lahat, upang sa mismong botohan ay maiwasan ang aberya.