Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna umabot na sa 325

Muling nadagdagan ang bilang ng nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna, pumalo na sa 325 ang kabuuang kaso (Miyerkules, May 6 5PM).

Ang mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay ang sumusunod:

San Pedro – 53
Los Baños – 40
Calamba – 32
Biñan – 31
Santa Rosa – 29
Cabuyao – 21
Santa Cruz – 19
San Pablo – 18
Bay – 14
Pila – 11
Calauan – 8
Liliw – 6
Lumban – 6
Victoria – 6
Pagsanjan – 5
Nagcarlan – 5
Kalayaan – 4
Majayjay – 4
Alaminos – 4
Cavinti – 2
Paete – 2
Pakil – 2
Famy – 1
Mabitac – 1
Rizal – 1

30 naman na ang nasawi at 171 ang naka-recover.

Samantala, umabot na sa 68 ang nananatili sa ospital at 56 naman ang naka-home quarantine.

Nasa 1,026 naman ang bilang ng suspected cases at 70 ang probable cases.

Read more...