Naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa lalawigan Ng Batangas.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 22 kilometers Southwest ng bayan ng Calatagan, alas-12:44 madaling araw ng Huwebes (May 7).
May lalim na 87 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa Calatagan, Batangas.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES