Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON, pumalo na sa 1,039

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), pumalo na sa 1,039 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 203
Laguna – 315
Batangas – 115
Rizal – 334
Quezon – 72

Nasa 252 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng anim na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga naka-recover:
Cavite – 58
Laguna – 53
Batangas – 49
Rizal – 71
Quezon – 21

Umabot naman na sa 121 ang bilang ng mga nasawi na nakapagtala ng tatlong bago kaso ng mga pumanaw, araw ng Miyerkules (May 6).

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 25
Laguna – 25
Batangas – 19
Rizal – 45
Quezon – 7

Read more...