Bilang ng pulis na nagpositibo sa COVID-19, 114 na; Dalawa ang nadagdag

Nasa dalawang pulis ang panibagong tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa update ng Philippine National Police Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (May 6), umabot na sa 114 ang bilang ng nagpositibong pulis sa nakakahawang sakit sa bansa.

Nadagdagan din ng isa ang bilang ng nasawing pulis sa bansa kung kayat ang total deaths ay apat na.

47 PNP personnel naman ang naka-recover mula sa nakakahawang sakit.

Samantala, 402 sa hanay ng pambansang pulisya ang ikinokonsidera bilang probable case habang 407 ang suspected cases.

Read more...