1,859 health workers sa bansa, nagpositibo sa COVID-19 – DOH

Nadagdagan pa ang bilang ng mga healthcare worker sa bansa na nagpositibo sa COVID-19.

Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hanggang May 5, umabot na sa 1,859 ang medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

Nitong mga nagdaang araw, paunti na aniya nang paunti ang naitatalang health workers na nagpopositibo sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 1,445 ang aktibong kaso ng sakit kung saan 436 ay asymptomatic, 1,000 ay mild at siyam ay may severe case ng COVID-19.

380 naman aniya sa health workers ang naka-recover.

Sinabi rin ni Vergeire na walang bagong napaulat na nasawing health worker bunsod ng nakakahawang sakit sa araw ng Martes, May 5.

Dahil dito, nananatili sa 34 ang bilang ng pumanaw na medical worker dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...