Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 6, nasa 1,905 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,167 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 523 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Nasa 215 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 608 na kaso.
Sumunod dito ang Americas na may 488 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 376 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 433 sa Middle East/Africa.