Shanghai Disneyland, muling magbubukas sa May 11

Photo credit: Shanghai Disney Resort official website

Inanunsiyo ng Shanghai Disney Resort na muling magbubukas ang Shanghai Disneyland theme park sa May 11.

Sa inisyal na reopening phase, sinabi nito na magpapatupad ng bagong measures at procedures sa mga bibisita sa theme park.

Kabilang dito ang limitadong guests; advanced ticketing at reservation; pagpapatupad ng social distancing sa mga restaurant, ride vehicles at iba pang pasilidad sa theme park; at implementasyon ng sanitization at disinfection.

Maaaring makabili ng ticket sa pamamagitan ng official online channels ng Shanghai Disney Resort at official travel partners’ channels simula sa May 8 bandang 8:00 ng umaga.

Magiging limitado lamang anila ang ibebentang ticket sa nasabing petsa para sa initial reopening.

Sa May 11, sinabi ng resort na karamihan sa mga atraksyon, rides, ilang show, shopping at dining locations sa Shanghai Disneyland ay magbabalik-operasyon na.

Mananatili namang sarado ang ilang interactive attractions tulad ng children play areas at theater shows.

Maaari anilang masuri ng mga guest ang magbubukas na atraksyon sa kanilang website at application.

“To accommodate social distancing, parades and nighttime spectaculars will also return at a later date. During the initial reopening phase, a special Disney character procession, Mickey and Friends Express, will take place several times daily, and the Enchanted Storybook Castle will come to life with light and music at dusk each day with Evening Magical Moments. Beloved Disney characters will appear in the park in a new way, as they make appearances in each of the themed lands, greeting and welcoming everyone back to Shanghai Disneyland. Close interaction and close-up photos with characters will be suspended during the initial phase of reopening,” abiso pa ng resort.

Dadagdagan din ang sanitization measures para matiyak na mapapanatiling malinis ang buong theme park.

Magkakaroon ng nakahandang hand sanitizers sa bawat atraksyon, restaurant at tindahan.

“The resort looks forward to recognizing and celebrating medical professionals who helped make our reopening possible at an appropriate time in the near future,” dagdag pa ng Shanghai Disney Resort.

Read more...