788 bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Singapore

Halos 800 ang panibagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Singapore.

Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 788 na kaso hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (May 6).

Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.

Sa nasabing bilang, sinabi ng Ministry of Health na 11 ay Singaporean o permanent residents.

Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.

Sa kabuuan, pumalo na sa 20,198 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.

Read more...