Sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (May 6), 320 ang panibagong tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Sa nasabing bilang, 179 o 56 porsyento ay naitala sa National Capital Region, 98 o 31 porsyento sa Region 7, at 43 o 13 porsyento naman mula sa iba pang lugar.
Ayon pa sa DOH, 21 pa nasawi dahil para umabot ang COVID-19 related deaths sa Pilipinas sa 658.
98 namang pasyente ang gumaling sa COVID-19 pandemic.
Bunsod nito, 1,506 na ang total recoveries ng nakakahawang sakit sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES