Higit 1,000 arestado sa paglabag sa election gun ban

gun ban 02Mahigit isang libo na ang naaresto ng Philippine National Police o PNP dahil sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections o Comelec.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, as of 7:41 ng Linggo ng umaga, nasa 1,004 na ang violators na ang nahuli ng PNP.

Karamihan aniya sa mga naaresto ay mga sibilyan na sa 965; habang pito ay police officers; sampu ay government officials; labing lima ay security guards; limang empleyado ng law enforcement agency; at dalawa ay miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit.

Sinabi pa ni Mayor na nakakumpiska ang PNP ng 810 firearms; 9,169 deadly weapons; 43 na mga granada; siyam na iba pang uri ng pampasabog; 30 firearm replicas, 277 bladed weapons at 8,810 ammunition.

Ang Comelec gun ban ay ipinatupad para sa nakatakdang May 09 National and Local Elections.

Sinimula ang implementasyon ng gun ban noong January 10, 2016 at magtatapos naman sa June 08, 2016.

 

Read more...