Former Ambassador Roy Señeres, inilibing na

roy seneresInihatid na sa kanyang huling hantungan ang pumanaw na ang dating ambassador at OFW Partylist Representative na si Roy Señeres.

Dumalo sa libing ng mambabatas sa Manila Memorial Park sa Parañaque ang kanyang mga kaibigan, kasama sa trabaho at ilang mga napagsilbihang Overseas Filipino Workers o OFWs.

Si Señeres, 68 years old, ay namatay noong Lunes dahil sa cardiac arrest bunsod ng kumplikasyon sa sakit na diabetes.

Bago siya pumanaw ay hiniling niya sa Commission on Elections o Comelec na alisin na lamang ang kanyang pangalan sa mga opisyal na kandidato sa pagka-pangulo sa 2016 elections dahil sa problemang pangkalusugan.

 

Read more...