145,187 pamilya sa Quezon City, nakatanggap na ng cash aid sa ilalim ng SAP

Natanggap na ng mahigit 140,000 pamilya sa Quezon City ang tulong-pinansiyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Sa datos ng QC government, nasa kabuuang 145,187 pamilya na ang nabigyan ng P8,000 cash aid hanggang May 5.

Samantala, ang social amelioration cards o SAC allocation sa lungsod ay nasa 377,854 habang ang naisumiteng SAC ay nasa 245,688.

Tiniyak naman ng QC LGU na makakatanggap ng P4,000 cash assistance ang mga kwalipikado sa SAP ngunit hindi nakasama sa listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Read more...