Columbio, Sultan Kudarat niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.2 na lindol sa Columbio, Sultan Kudarat Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 6 kilometers Southwest ng Columbio bandang 1:28 ng hapon.

4 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala at intensities sa mga karatig-lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...