Manay, Davao Oriental muling niyanig ng malakas na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 19 kilometers Northeast ng Manay, alas-1:21 umaga ng Miyerkules (May 6).

May lalim na 20 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Nauna ng niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Manay, Davao Oriental kaninang alas-10:53 ng umaga.

Read more...