Franchise bill ng ABS-CBN hindi masesertipikahang urgent ni Pangulong Duterte

Grab: PTV Live

Hindi masesertipikahang urgent bill ni Pangulong Rodrigo Duterte ang franchise bill ng ABS-CBN na ngayon ay nakabinbin pa sa Kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pribadong interes kasi ang usapin sa prangkisa.

Iginiit pa ni Roque na nasa kamay ng Kongreso ang pagpapasya kung mare-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

“Hindi naman po ma-eendorso ng Presidente ‘yan as urgent dahil meron nga pong private interest diyan. At talagang hindi po ginagawang certified as urgent ang mga franchise bills. So intindihin niyo po, kahit gusto po na makapagbigay ng prangkisa ang Presidente mismo, wala po siyang ganyang kapangyarihan,” pahayag ni Roque.

Isang buwan aniya ang sesyon ng Kongreso at kung talagang pursigido ang mga mambabatas, kakayanin ng mga ito na makapagpasa ng batas para mabigyan ng prangkisa ang naturang istasyon.

Balik sesyon ang Kongreso noong Lunes, May 4.

Read more...