Pagpapasara sa ABS-CBN kinuwestyon ni VP Robredo

Kinuwestyun ni Vice President Leni Robredo ang utos ng pamahalaan na ipasara ang ABS-CBN matapos mapaso ang prangkisa noong May 4 samantalang pursigido naman na buksan ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.

Ayon kay Robredo, hindi maikakakila na mas makabuluhan ang operasyon ng ABS-CBN na malaki ang naitutulong sa pagbibigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng coronavirus disease o COVID-19 kaysa sa mga POGOs na naging target lamang ng mga police raids dahil sa mga ilegal na aktbidad.

Mahalaga kasi aniya ang papel na ginagampanan ng ABS CBN habang may kinakaharap na krisis sa COVIS-19 ang bansa.

Ayon kay Robredo, malaking kawalan ang pagsasara ng ABS-CBN dahil nawalan ng pagkakataon ang taong bayan na matunghayan ang tamang impormasyon at mga balita bukod pa dito ang mga nawalan ng trabaho.

Read more...