Solusyon sa problema ng ABS-CBN, nasa kamay ng Kongreso ayon kay Cong. Lagman

File Photo

Iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na walang ibang solusyon sa problema ng ABS-CBN kundi ang aksyunan ng Kongreso ang kanilang application para sa franchise renewal.

Ayon kay Lagman, ang iginigiit ng liderato ng Kamara na pagbibigay ng provisional authority sa broadcast network ng National Telecommunications Commission (NTC) ay taliwas sa batas at jurisprudence.

Malinaw anya ito sa Section 16 ng RA 7925 kung saan nakasaad na walang sinuman ang maaaring makapagsagawa ng negosyo bilang public telecommunications entity nang walang prangkisa.

Tinukoy rin nito ang kaso ng Associated Communications and Wireless Services United Broadcasting Networks laban sa NTC, kung saan sinabi ng Korte Suprema na hanggang hindi nababago ang batas, ang requirement na franchise to operate sa istasyon ng telebisyon ay kailangang manaig.

Sabi ng kongresista, ang hiling nina Speaker Alan Peter Cayetano at Chairman Franz Alvarez ng committee on legislative franchises sa NTC na mabigyan ng provisional authority to operate ang ABS-CBN para magpatuloy ng operasyon matapos mapaso ang prangkisa ay palabas na lamang.

Read more...