Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hanggang May 4, nasa kabuuang 117,972 individual tests na ang naisagawa.
Hindi pa aniya kasama sa bilang ang datos mula sa limang pribadong laboratoryo.
Sa nasabing bilang, 105,338 o 89 porsyento ang lumabas na negatibo sa nakakahawang sakit.
12,372 o 11 porsyento naman aniya ang lumabas na COVID-19 positive.
Nauna nang nilinaw ng DOH na ang total positive tests ay maaaring mas mataas kaysa sa total confirmed cases dahil dumadaan pa sa case validation and processing ang lahat ng nagpopositibong pasyente.
MOST READ
LATEST STORIES