Health workers sa bansa na nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa 1,819

Nadagdagan pa ang bilang ng mga healthcare worker sa bansa na nagpositibo sa COVID-19.

Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hanggang May 4, umabot na sa 1,819 ang medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.

Nitong mga nagdaang araw, paunti na aniya nang paunti ang naitatalang health workers na nagpopositibo sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 1,435 ang aktibong kaso ng sakit kung saan 440 ay asymptomatic, 986 ay mild at siyam ay may severe case ng COVID-19.

Narito naman ang bilang ng COVID-19 cases sa mga sumusunod na health worker:
– Physician o doktor – 590 cases; 25 deaths
– Nurse – 685 cases; 7 deaths
– Nursing Assistant – 107 cases
– Medical Technologist – 70 cases
– Radiologic Technologist – 34 cases
– Respiratory Therapist – 20 cases
– Midwife – 21 cases
– Pharmacists – 15 cases
– Other HCWs – 277 cases

350 naman aniya sa health workers ang naka-recover habang 34 ang pumanaw dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...