Pagsisiwalat ng health condition ng mga kandidato, hindi kailangan ani Enrile

enrile
Sen. Juan Ponce Enrile

Iginiit na ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na hindi na kailangan pang ilabas ng mga kandidato, lalo na ng mga presidential aspirants, ang kani-kanilang health records.

Ito’y sa gitna ng mga pagdududa sa estado ng kalusugan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, maging nina Vice President Jejomar Binay at Senadora Miriam Defensor Santiago.

Paliwanag ni Enrile, wala namang presidential aspirant ang makaka-garantiya na makakasurvive sila ng anim na taon sa Malakanyang.

Ito’y aniya ang rason kung bakit may bise presidente at may ‘rule of succession’ sa Saligang Batas.

Inihalimbawa ng beteranong senador ang nangyari kay dating Pangulong Ramon Magsaysay na nahalal noong 1953.

Wala aniyang sakit si Magsaysay pero nasawi dahil sa isang plane crash noong 1957.

Si Carlos Garcia, na siyang Vice President noong panahon na iyon, ang pumalit kay Magsaysay bilang Punong Ehekutibo at pinunan ang nalalabing walong buwan sa termino ng yumanong pangulo.

 

Read more...