Ito’y sa gitna ng mga espekulasyon sa health condition ni Duterte matapos siyang atakihin ng migraine noong nakalipas niyang pangangampanya.
Ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda, nakasaad sa 1987 Constitution ang isang probisyon para sa disclosure ng estado ng kalusugan ng pangulo.
At dahil naghahangad si Duterte na maging presidente, nararapat aniyang isapubliko nito ang totoong lagay ng kanyang kalusugan.
Para naman kina Reps. Edgar Erice at Miro Quimbo ng Liberal Party, may karapatan ang publiko na malaman ang state of health ng mga kandidato lalo na ang mga tatakbo sa pagka-pangulo.
Ani Erice, paano iboboto ng mga botante ang sinumang kandidato kung may itinatago ang mga ito.
Pinasasagot din ni Erice kay Duterte ang dalawang tanong: una, siya ba’y physically fit; at pangalawa, ilalabas ba ng alkalde ang health records nito.
Babala naman ni Quimbo, ang kabiguan ni Duterte na ilantad ang kanyang medical records ay matatakda ng ‘bad precedent’ para sa ibang mga kandidato.
Aniya pa, ang pagiging Presidente ay isang full-time job na walang vacation leaves at tanging isang ‘fit’ na tao ang maaaring magdala nito sa loob ng anim na taon.
Hiling naman ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., Vice Chairman ng Liberal Party, sa lahat ng mga presidential at vice presidential candidates na i-disclose ang kani-kanilang health condition ‘in fairness to the people.’