Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City isasailalim sa isang linggong hard lockdown

Iiral ang hard lockdown sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City simula sa May 7 hanggang May 14.

Ayon kay Mandaluyong Mayor Menchie Abalos kailangang maghigpit sa nasabing barangay dahil ito ang mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa ngayon ay mayroong 57 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Barangay Addition Hills.
418 naman ang kaso sa buong Mandaluyong City.

Nakatakdang maglabas ng executive order si Abalos para maglatag ng guidelines sa ipatutupad na total lockdown sa barangay.

Habang umiiral ang total lockdown ay magsasagawa ng random rapid testing sa aabot sa 3,000 residente sa barangay.

 

 

Read more...