Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, dalawang beses nang na-extend ang ECQ, noong April 30 at ngayon ay hanggang May 15.
Dapat aniya na sa loob ng panahong ito, napababa na ang bilang ng nagpopositibo sa COVID-19.
Pero ayon kay Tiangco, patuloy na dumadami ang COVID-19 positive sa lungsod at karamihan sa mga pasyente ay namalengke o ‘di kaya naman ay nag-grocery.
Sa ilalim ng EECQ, ang mga residente sa bawat barangay ay may nakatakdang araw lamang para lumabas ng bahay at mamalengke o mamili ng groceries, gamot at iba pang pangangailangan.
Iiral ang total lockdown o walang maaaring lumabas kapag araw ng Linggo dahil magsasagawa ng paglilinis at disinfection ng mga palengke.