Pangulong Duterte may alok na pabuya sa makapagtuturo sa mga opisyal na kumukurakot sa SAP

Magbibigay ng P30,000 pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mayroong impormasyon tungkol sa mga korap na opisyal at kinakangkong ang pondo ng gobyerno para sa social amelioration program o SAP.

Sa kaniyang public address, pinangalanan ng pangulo ang barangay kagawad sa Brgy. Agustin, Hagonoy, Bulacan na si Danilo Flores na isa aniya sa mga korap na opisyal.

Inatasan din ng pangulo ang mga alkalde na bantayan ang pamamahagi ng pera.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinumang magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga local officials na kumukurakot sa ayuda na para sa mahihirap ay bibigyan ng pabuya ng pangulo.

Maaring i-report ang mga korap na opisyal sa numero na 8888.

 

 

 

 

 

Read more...