Dalawang pasyente sa Western Visayas, gumaling sa COVID-19

Nanatili sa 72 ang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Western Visayas.

Ayon sa DOH Western Visayas Center for Health Development, walang bagong naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa nasabing rehiyon.

Dalawa naman ang napaulat na gumaling sa COVID-19; 24-anyos na lalaki mula sa Tigbauan, Iloilo at 77-anyos na babaeng residente ng Jaro, Iloilo City.

Dahil dito, 29 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa Western Visayas.

Samantala, nakapagtala ng isang bagong nasawi sa nasabing rehiyon.

Bunsod nito, umakyat na sa 10 ang bilang ng pumanaw sa Western Visayas dahil pa rin sa COVID-19.

Read more...