Bicol region, walang bagong naitalang COVID-19 case

Walang bagong napaulat na tinamaan ng COVID-19 sa Bicol region.

Batay sa huling datos ng DOH CHD – Bicol hanggang 6:00, Lunes ng gabi (May 4), nanatili sa 46 ang kumpirmadong COVID-19 cases sa rehiyon.

Sa ngayon, 12 ang aktibong kaso kung saan 11 ang naka-confine sa mga ospital habang isa ang naka-quarantine.

Narito ang naitalang kaso ng COVID-19 pandemic sa nasabing rehiyon:
– Albay – 37
– Catanduanes – 1
– Camarines Sur – 8

Wala ring bagong naitalang gumaling sa nakakahawang sakit sa Bicol.

Patuloy namang hinihikayat ng DOH CHD – Bicol ang mga residente sa rehiyon na sumunod sa preventive measures laban sa COVID-19.

Kabilang dito ang pagsusuot ng face mask, social distancing, paghuhugas ng kamay, cough etiquette, healthy lifestyle at pag-disinfect sa mga bagay na madalas gamitin.

Sundin din anila ang community quarantine procedures.

Read more...