COVID-19 cases sa Valenzuela City, nanatili sa 118

Walang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Batay sa Valenzuela City Monitoring Report hanggang 7:00, Lunes ng gabi (May 4), nananatili sa 118 ang bilang ng nagpositibong residente sa COVID-19 sa lungsod.

Sa naturang bilang, 89 ang aktibong kaso pa.

Samantala, 213 ang itinuturing na “suspect cases” sa lungsod habang 10 ang “probable cases.”

Nasa 23 naman ang mga gumaling na residente at anim ang pumanaw dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...