Naisagawang swab test sa Quezon City, higit 3,000 na

Mahigit 3,000 na ang naisagawang swab testing sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City government, nasa kabuuang 3,037 ang sumailalim sa swab testing mula April 13 hanggang May 4.

Sa nasabing bilang, 677 tests ang lumabas na ang resulta.

Base sa resulta ng pagsusuri, 583 ang negatibo habang 94 ang nagpositibo sa COVID-19.

Patuloy naman ang swab testing sa lungsod.

Read more...